
Dahil panahon na naman ng oktobre at kaliwat kanan na naman ang mga Halloween event. Syempre kailangan natin ng costume para sa ating mga chikiting. Narito ang isa sa mga DIY costume na maaring nyong gawin para saiyong anak.
Sa mababang Halaga…
Materyales:
**1 1/2 yard yellow/cream felt para sa Taco shell at cheese strips
**Red, brown and green felt (para sa kamatis, karne at lettuce)
**Hot glue gun
**Gunting
**One yard of velcro strips
Procedure :
1. Sukatin at mag form ng semi-circle. At mag lagay ng butas sa gitna Kung saan tatayo ang iyong anak sa loob.
2. Gupitin ang Felt maari kayong mag lagay ng fusible Interfacing para tumigas ang center part ng taco. Dahil wala akong stock ng Fusible Black Hard felt nalang ginamit ko. Pwede din yung carton na pang patigas.

3. Gupitin ang Felt para sa inyong Taco Toppings. Mag form lang kayo ng parang clouds or free hand cut para sa lettuce, meat at para naman sa cheese pahaba lang.
4. Pag nagupit mo na yung mga Toppings. Ilagay ang mga ito sa taco shell gamit ang hot glue.
5. Siguraduhing tuyo ang glue bago ito gamitin. Maglag velcro straps at ilagay sa dulong bahagi ng taco.
Saan mabibili ang Felt cloth mayroon nito sa National book store pero maliit na size lang ( short bond paper).
Meron din sa Shopee
Yung sakin sa https://www.facebook.com/michellesribbon/
80 per yard
Yung velcro meron din sila.


For more Halloween costume ideas follow us on Instagram https://instagram.com/daryllfashion?utm_source=ig_profile_share&igshid=1xjn3vhpaq7bi

This is so cute!
LikeLike