
Ang postpartum depression ay ang labis na pagkalungkot maatapos manganak ang isang ina. Karaniwan ang pagiging malungkot pagkatapos manganak. Ang baby blues kung tawagin ay ang pagkakaroon ng pabago-bago na disposisyon o mood swing. Ngunit kapag ang pagiging malungkot ay mas matagal at mas matindi, ito ay maaari maging postpartum depression. Ang mas malalang sakit ng postpartum depression ay ang postpartum psychosis. Ang postpartum depression ay isang komplikasyon ng pangananganak at maaaring mabigyan ng tamang lunas.
Sintomas
Kapag ang labis na pagkalungkot ng bagong ina ay nakakaabala na sa kanyang pang-araw-araw na gawain at sa pangangalaga ng bata, ito ay maaaring maging postpartum depression. Ang iba pang sintomas ay ang mga sumusunod:
* Ayaw makipaglaro o makasama ang sanggol.
* Ayaw makihalubilo.
* Hindi makatulog.
* Labis na pagkahapo.
* Labis na papalit-palit ng disposisyon.
* Madaling mairita at magalit.
* Nag-iisip na saktan ang sarili o ang sanggol.
* Walang gana kumain.
* Walang ganang makipagtalik.
Kapag hindi nalunasan ang postpartum depression, ito ay maaaring magtagal ng higit sa isang taon. Mahalagang magpatingin sa doktor lalo na kapag ang mga sumusunod na sintomas ay nakikita:
* Hindi nawawala ang pagkalungkot pagkalipas ng dalawang lingo.
* Lumalala ang mga sintomas.
* Mas matinding hirap sa pangangalaga ng sanggol.
* Mas matinding hirap sa pagkumpleto ng pang-araw-araw na gawain.
* Hindi nawawala ang pag-iisip na saktan ang sarili o ang sanggol.
Sanhi
Pagkatapos manganak, labis na nagbabago ang buhay ng ina. Ang mga pagbabagong ito ay nakaaapekto sa kanyang [katawan]] at emosyon.
1. Pagbabagong pisikal. Pagkatapos manganak, bumababa ang dami ang mga hormone na estrogen at progesterone sa katawan. Ang mga hormone na inililikha ng glandulang thyroid ay labis din na bumababa. Ang epekto nito ay ang pagkahapo at pagkalungkot. Ang pagbabago rin ng sistemang imyuno at metabolismo ay maaaring makadulot ng papalit-palit na disposisyon at pagkahapo.
2. Pagbabagong emosyonal. Ang babaeng bagong panganak ay makararamdam ng halu-halong emosyon tulad ng pagkawala ng kontrol sa buhay at nerbiyos o labis na pag-aalala sa pangangalaga ng sanggol.
Ang kapiligiran din ng bagong ina ay nakaaapekto sa kanyang pagkakaroon ng postpartum depression. Maaaring kulang siya sa suporta ng asawa o pamila, may problema sa pera, hirap sa pangangalaga ng ibang anak o nahihirapan magpasuso.
Salik ng panganib
Tumataas ang panganib na magkaroon ng postpartum depression ang isang babae kapag siya ay:
* Nakaranas na ng postpartum depression sa mga naunang anak.
* Nakararanas ng labis na stress.
* Nabuntis ng hindi inaasahan.
* May problema sa pamilya o asawa.
* May bipolar disorder.
Lunas
Ang postpartum depression ay maaaring itrato sa pamamagitan ng:
1. Counseling. Ang pakikipag-usap sa isang psychiatrist o psychologist ay makakatulong sa inang may postpartum depression.
2. Pag-inom ng gamot na antidepressant.
3. Pagsasailalim sa hormone therapy.
Pag-iwas
Kapag ang postpartum depression ay naranasan na sa nakaraang panganganak, ito ay agad na sabihin sa doktor. Mas maiging masubaybayan ng doktor ang pasyente para makilala ang sintomas ng depresyon. Ang pasyente ay oobserbahan din ng doktor pagkatapos manganak. Kapag may kasaysayan ang pasyente ng postpartum depression, maaaring bigyan ito ng doktor ng gamot na panglaban sa depresyon matapos manganak.
