Mcdo Kiddie Crew

Naghahanap ba kayo ng workshop para sa inyong mga anak ngayong summer? Subukan nyong isali ang yung mga anak sa McDo Kiddie Crew Workshop.

Paano Sumali?
Pumunta lang sa pinaka malapit na McDonald’s Branch sa inyong lugar para mag pa rehistro. Maaring mag tanong sa Gwardya o Crew para maassist kayo at Sagutan lamang ang Workshop Form para makapag rehistro. (Tingnan ang larawan ng Workshop Form sa Baba.)

Ilang taon ang pwedeng sumali ??

4 to 12 year’s old po pero may kasama kaming 3 years old sa workshop.

Magkano? May dalawang Uri ang workshop may 5 days (Lunes hanggang Biyernes ) ang isa naman ay 2 days (Sabado’t Linggo ). May iba’t ibang Time slot ang workshop may umaga at hapon.

** Para sa Weekdays ang babayaran ay 695 pesos
** Para sa Weekend ay 595 pesos

Ano Ano ang kasama o makukuha pag nag bayad ka ng 695 or 595??

T-shirt (Kiddie Crew Tee) , Cap, Apron,Chef Hat, Pagkain sa loob ng limang araw o dalawang araw at materyales sa aktibid.
Sulit Diba ….

Ano ano ang Pagkain? Ang nasa Policy po nila ay Burger at Juice pero maaari itong mabago depende sa Branch.

Bago mag simula ang araw ng workshop ng mga bata, mayroon pong Orientation ang mga magulang at dito na din ibibigay ang mga gamit ng bata.

..Narito ang aming experience sa workshop..

Day 1 – Afternoon Session po kami Ala Una hanggang alas tres ng hapon.

Activity Details –
1. Dasal ng Sabay Sabay
2. Nagpakilala ang mga bata sa isa’t isa syempre ang mga Crew na magtuturo sa kanila.
3. Itinuro ang McDo Song and Dance at may dalawang sayaw ibang sayaw pa.
4. Pumunta sila sa Working Area kung saan tinuruan sila kung paano mag greet sa mga customers, mag prepare ng pagkain, mag serve ng orders at mag process ng payment.
5. Drawing activity
6. Snack Time * Meal Spaghetti at Iced tea
(Bago kumain nagdasal muna sila)
7. Uwian na

Day 2-
1. Dasal
2. Dance and Sing Practice
3. Gumawa ng Sariling nilang Happy Meal Box (in iuwi po nila ang happy meal box para makita ng parents )
4. Snack Time * Burger at Iced tea

Day 3-

1

. Dasal
2. Dance and sing practice
3. Pumunta sila sa Working Area para mag greet ng mga customers, nag prepare ng pagkain(fries,burger and even making Mcfloat) serve foods both dine in & take out .
Nag organize ng Ketsap pockets
4. Gumawa sila ng sarili nilang Cheese Burger (see pictures below)
6. Snack Time * Yung Burger na ginawa nila yun din yung Meal nila + Ice tea

Day 4 –
1. Dasal
2. Dance and Sing Practice
Talent Showcase 😊 ipinakita ng mga bata ang kani kanilang Talento.
3. Pumunta ulit sila sa Working Area para mag greet ng mga customers at mag assist.

4. Gumawa ng Card para sa mga mommy syempre malapit ang araw ng mga Nanay😍.
5. Laro. .. Laro
6. Kainan Time na Meal sa araw ba ito ay Burger at ice tea ulit 🍔🍔🍔

Day 5 – Graduation Day

Activity 1 Dasal
2. Dancing and Song Performance para mapanood ng mga parents ( the tune of the Kiddie Crew song , wiggle to the beat of the Ronald Dance at Kick it)

3. Awarding of Certificate
4. Funday – Game Contest Maraming palaro
5. Snack Time – Meal Spaghetti and Ice tea
6. Photo Op na

Done ☺

*** My son is 4 y/o first Workshop nya, umiyak 😂😂 dahil ayaw mag paiwan ng mag isa sa loob na dapat yung parents sa labas lang. Dahil ayaw tumigil sa pag iyak sa loob ng 5 days Workshop nasa loob ako 😁

Lesson sa workshop na ito,
* Nagkaroon ng new friends si Daryll pati na din si mommy😀 syempre nag enjoy si Lo pati ako Haha
* Mas na build yun confidence nya dahil sa mga bata at pakikipag interact sa mga Crew at customers.
* Mas natuto ng Values tulad ng Teamwork, Disiplina, hardworking at sharing.

Thank you Mcdo for having us we really had fun See you again next year ☺

May Grand Graduation po Sila ito ay sa June pa. Wala pang exact Details

Sa mga gustong isali ang mga anak nila, tumatanggap pa po ng enrollees ang McDo

Narito ang iba pang detalye o para sa kumpletong detalye bisitahin lamang nag website na http://m.mcdonalds.com.ph/pages/content/kiddie_crew_2018

Kiddie Crew 2018 will run from April 2 to June 22 with the following schedule options:

Weekend workshop:

Week 1: April 2-6

Week 2: April 9-13

Week 3: April 16-20

Week 4: April 23-27

Week 5: April 30-27

Week 6: May 7-11

Week 7: May 14-18

Week 8: May 21-25

Week 9: May 28-Jun 1

Week 10: Jun 4-8

Week 11: Jun 11-15

Week 12: Jun 18-22

Weekend workshop

Week 1: April 7-8

Week 2: April 14-15

Week 3: April 21-22

Week 4: April 28-29

Week 5: May 5-6

Week 6: May 12-13

Week 7: May 19-20

Week 8: May 26-27

Week 9: June 2-3

Week 10: June 9-10

Week 11: June 16-17

May 400 + Stores po ang McDo mag sadya lamang sa kanila para makapag rehistro

Thank you for Reading