Maagang pamasko sa mga bata handog ng Buzz in the Box Watch and Win Promo. YEY FACEBOOK PAGE, MAY MAHIGIT ISANG MILYONG FOLLOWERS NA

Lagpas isang milyon na ang followers ng YeY sa official Facebook page nito, kung
saan makikita ang updates at episode highlights ng mga programa tulad ng “Team
YeY,” “Pedro Penduko,” “My Little Juan,” “Lastikman,” at “Wansapanataym.”
Kinikilala rin ang YeY bilang number 1 Philippine kids page sa Facebook ayon sa
website na Tubular.


 
Palabas din dito ang mga pambatang video na hitik sa aral at saya, kabilang na ang
ang mga nakamamanghang trivia sa “Kaalaman Express,” lingguhang birthday
greetings sa mga manonood nito na “Happy BirthYeY Shout-out,” masasayang arts
and crafts activities sa “Artstig Projects,” at mga unboxing video ng mga
pinakabago at kinagigiliwang laruan ngayon sa “Buzz in the Box” kasama ang Toy
World.
 
Samantala, bilang regalo sa mga bata ngayong Kapaskuhan, inilunsad ng YeY ang
panibagong promo nito na Buzz in the Box Watch and Win Promo. Para sa mga nais
sumali, panoorin lamang ang Buzz in the Box by Toy World video of the week at
sagutan ang question of the week sa bit.ly/BuzzInTheBox. Ang mga nakakuha ng
tamang sagot ay maisasali sa raffle draw para sa linggong iyon.


Linggo-linggo, limang bata ang may tsansang makapag-uwi ng special toy gift pack
mula sa Toy World na i-aanunsyo sa Facebook page ng YeY. Tatakbo ang promo
hanggang Disyembre 17, 2021 (Biyernes).
 
Una nang nagtala ang YeY ng mahigit isang milyong subscribers sa YouTube
channel nito noong Hulyo. Nagbalik TV rin ito kamakailan lang sa pamamagitan ng
YeY Weekday and YeY Weekend blocks sa Jeepney TV at Kapamilya Channel.
 
Para sa iba pang exciting content, events at promos nito, bisitahin lamang ang YeY
sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok
(@yey.channel), at YouTube account nito. Mapapanood din ng mga bata ang mga
paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa
ent.abs-cbn.com/justlovekids. 

 
Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter at Instagram o
bisitahin ang http://www.abs-cbn.com/newsroom.

Leave a comment