
Nakapagtala ang Pilipinas ng 51,622 cases ng dengue simula January 1 to June 18, ayon sa Department of Health.
Alamin kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng Dengue lalo na at tagulan na sa ating bansa.
ANO BA ANG DENGUE?
Ang Dengue ay isang sakit na nasasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamol na Aedes na may dalang Dengue Virus (Infected female Aedes Mosquito)
Anu-ano ang mga katangian ng lamok na AEDES
Namamahay ito sa madidilim na lugar.
Nangingitlog sa malilinaw at hindi dumadaloy na tubig.
Mas gustong kagatin ang maiinit na balat.
Mas gustong kagatin ang gumagalaw na biktima.
Karaniwang kumakagat mula sa gilid o likod ng tao.
Nakakalipad sa layong 50 – 300 metro mula sa pinangingitlugan.
Mas dumarami kung tag-ulan dahil sa nagkalat na mga bagay na maaring pangitlugan.
Buong araw / 2 oras pag sikat ng araw at 2 oras bago lumubog ang araw.
60- 100 eggs / batch
Mga sintomas
Trangkaso, matinding sakit ng ulo, sakit sa ilalim ng mga mata, pananakit ng kalamnan at kasukasuhan, pagkahilo, pagsusuka, namamagang mga kolani at pantal.

Mga virus ng Dengue
Sanhi ng 4 na ibat-ibang mikrobiyo
Ang mga sintomas ng unang impeksiyon ay hindi gaanong malubha, pero ang kasunod na mga impeksiyon na may ibang uri ng mikrobiyo ay kadalasang nagdudulot ng malubhang dengue (kilala rin bilang ‘dengue haemorrhagic fever’)
Kahit magaling na, may posibilidad pa ring magkaroon ng malubhang dengue ang isang tao habang siya ay nabubuhay
Kapag walang wastong pagpapagamot, ang posibilidad ng kamatayan dulot ng malubhang dengue ay lalagpas sa 20%
Paraan para makaiwas
Tanggalin ang mga naipong tubig sa paligid
Iwasang makagat ng mga lamok
Ang kahit na sino na may masamang pakiramdam pagkatapos ng biyahe ay dapat na magpatingin kaagad sa doktor at magbigay ng detalye tungkol sa mga lugar na kanilang pinuntahan

