Measles o Tigdas

Dahil Usong Uso ngayon ang Measles o Tigdas.
Narito ang dapat malaman tungkol sa measles o tigdas

Sabi ng DOH may Dalawang milyong bata sa pilipinas ang walang bakuna ng Bakuna para sa Measles ang maaring manganip.

Ano nga ba ang Measles o Tigdas ???

Ang Measles ay isang malubhang respiratory disease (apektado ang baga at breathing tubes) na nagiging sanhi ng mataas na lagnat at rashes o maliliit at mapupulang pagpapantal sa balat, sa buong katawan. Ito ay nakakahawa, at sa ilang pagkakataon, ay nakamamatay.

Ang tigdas ay nagiging sanhi ng ibang komplikasyon tulad ng pneumonia, panghabambuhay na brain damage, pagkabingi, at pagkamatay. Ang iba ay nagkakaron ng encephalitis o pamamaga ng utak, na nagiging sanhi ng kombulsyon, pagkabingi at mental retardation. Nasa 40% ng mga may tigdas ang nagkakaroon ng komplikasyon, at karaniwang mga batang 5 taong gulang pababa ang naaapektuhan, kaya’t sa edad na ito ay dapat ikunsulta agad sa doktor sa unang badya pa lamang ng mga sintomas, lalo’t mataas na lagnat.

1. Mga sintomas ng tigdas.

** mataas na lagnat
** Ubo
** Sipon
** Pamumula ng mata
** Rashes o maliliit na pulang tuldok na nagsisimula sa ulo at kumakalat sa buong katawan.
** Diarrhea
** Ear infection
Delikado ito lalo na sa mga sanggol at bata.

2. Mabilis itong kumalat

Ang tigdas ay mabilis makahawa at kumalat, sa pamamagitan lamang ng pag-ubo, paghinga at paghatsing. Ang pananatili lamang sa isang kuwarto kasama ng may tigdas ay nakakahawa na, kahit pa 2 oras na ang lumipas mula nang umalis ang taong may tigdas sa kuwartong iyon. Halos lahat ng walang bakuna para sa Measles (MMR vaccine) ay malaki ang posibilidad na mahawa agad kapag na-expose sa virus.

3. Alamin kung ano ang bakuna laban sa tigdas. ( yes po may vaccine tayo para sa Measles)

Ang MMR shot o bakuna para sa measles, mumps, at rubella ay para protektahan ang mga bata laban sa tigdas, at mga mas malalang sakit tulad ng mumps at rubella. Libre ang pagbabakuna ng primary shot ng MMR sa mga Health Centers sa Pilipinas, lalo para sa mga sanggol na 9 hanggang 12 buwang gulang at meron ding bakuna sa mga pribadong pagamutan.

4. Sundin ang schedule ng mga bakuna ng bata.

Rekumendado ng DOH at mga pediatrician ang pagbabakuna ng 2 doses ng MMR shot para maligtas sa tigdas ang mga bata. Ang primary dose ng measles vaccine ay kailangang maibigay sa bata sa edad 9 na buwan (pataas), at ang booster shots o pangalawang iniksiyon ay sa edad na 12 hanggang 24 buwan, pagkatapos ng primary dose. Kapag edad 18 taong gulang na pataas, kailangan lang ng isang shot.

Ang mga batang school-aged na, pati mga adolescents ay maaaring makakuha ng 2 doses ng MMR vaccine nang hindi hihigit sa 4 na linggo ang pagitan. Maaari pang mabakunahan ng MMR vaccine ang sinumang na-expose na, sa loob ng 3 araw ng pagkakaron nito.

5. Ligtas ang MMR vacccine.

Subok nang ligtas ang MMR, bagamat may mga natalang mahina o mild na side effects nito tulad ng lagnat, rash, at panandaliang pamamaga ng pinag-iniksyonan. Ang bakuna ay may taglay na buhay ngunit pinahinang bersiyon ng virus, na tumutulong sa immune system na mag-produce ng antibodies laban sa virus.

6. Dapat ding magpabakuna ang ibang miyembro ng pamilya.

Isang paraan ng pag-protekta sa inyong baby ay ang pagpapabakuna rin ng mga taong kasama niya sa araw araw para masiguradong hindi siya mahahawa. Tandaan din na lahat ng ipinanganak bago ang taong 1957 ay immune sa tigdas dahil noong panahon na iyon, lahat ay nagkaron ng tigdas. Kung ikaw ay nabakunahan na ng 2 doses nuong bata pa o bilang isang adult, hindi kailangang magpabakuna ulit. Kung hindi sigurado, mabuti nang magpainiksiyon pa rin ng booster shot.

7. Malnutrisyon ang isang pinakakaraniwang sanhi ng paglala ng komplikasyon.

Kapag mahina ang immune system, at mayron nang sakit o panghihina ng katawan ang pasyente, mas nahihirapan na labanan ang mga mas malalang sakit. Kaya’t kailangang siguraduhing masustansiya ang kinakain ng mga bata, at ng mga may tigdas, at makainom ng sapat na tubig at fluids.

8. May mga hindi maaaring mabakunahan dahil hindi magiging epektibo ang bakuna sa kanila.

Ang mga indibidwal na may HIV o AIDs, at iba pang immune deficiency conditions, mga tumatanggap ng immunosuppressive treatments tulad ng chemotherapy o radiotherapy, gumagamit ng ilang medikasyon tulad ng corticosteroids, at mga may chronic lung diseases ay hindi tatablan ng bakuna. Ang mga batang wala pang isang taon ay hindi rin maaaring mabakunahan ng MMR, ngunit ang mga 9 na buwang gulang ay pwedeng mabakunahan ng measles vaccine. Kung ang nanay ay may immunity o nabakunahan na, ang kaniyang sanggol ay mayron pang nakuhang maternal antibodies hanggang ang sanggol ay edad 10 buwan, bagamat maaring hindi ito sapat para labanan ang ilang impeksyon.

9. Huwag dalhin kung saan saan ang iyong anak.

Anumang lugar na maraming tao, lalo’t galing sa iba’t ibang lugar o bansa, tulad ng airport, mall, at tourist spots ay may peligro sa tigdas. Tandaan na ang virus ay maaaring manatili sa isang lugar (sa hangin) nang hanggang 2 oras. Posible ding mahawa ang isang tao sa kapwa, bago pa maglabasan ang mga rashes at lagnat, pero taglay na ang virus ng tigdas.

Ang tigdas ay delikado, pero ito ay preventable o maaaring maiwasan, sa pag-alam lamang ng tamang impormasyon.

Source: DOH

2 comments

  1. I do not even know how I ended up here, but I thought this post was great. I don’t know who you are but definitely you’re going to a famous blogger if you aren’t already 😉 Cheers!

    Like

Leave a reply to Nicola Sandus Cancel reply