Japanese Encephalitis

Marami akong nababasa sa mga Parenting group tungkol sa JE Vaccine o Japanese encephalitis (JE).
Dahil mayroong programa ngayon ang DOH na kung saan nag bibigay ng Libreng Bakuna para sa sakit na ito.
Maraming mga nanay ang nag aalinlangan na ipabakuna ang kanilang mga anak dahil baka tulad ito ng dengvaxia. Iba po ito sa dengvaxia mas matagal na po ang JE vaccine ( Kasama ang bakuna na JE sa immunization schedule ng isang sanggol na inilatag ng Philippine Pediatric Society (PPS) and the Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines) at sa private lang meron nito dati maswerte po kayo kung makakapag pa turok kayo dahil libre na ito sa Center sa private 2500 – 3500 din ang halaga nito. Mas mabuting pabakunahan na ang ating mga anak bago pa mahuli ang lahat. Mahalagang may panlaban tayo sa anumang sakit o komplikasyon.

Alamanin Kung ano ba ang Japanese encephalitis (JE)

🚩Karaniwang nasa edad na 5 hanggang 9 na taon ang dinadapuan ng virus na ito. Napakadelikado ng JE sa isang bata kaya naman ang gobyerno ay may kampanya sa kasalukuyan ukol dito.

🚩Ang Japanese encephalitis virus ay bitbit ng lamok na Culex tritaeniorhynchus species. Karaniwan na natatagpuan ang ganitong uri ng lamok sa mga rural na area kaya ang mga naninirahan sa mga lugar na ito ang may mataas na tendesiya na makakuha nito. Nangangat ang lamok na ito tuwing gabi. Napapalawak at napapanatili naman ang virus nito sa mga ibon, manok, baboy, at iba pang hayop na naninirahan malapit sa mga bukirin.

🚩Halos pareho sa dengue ang sintomas ng JE. Ang tao na nakagat ng lamok na may dala ng virus na ito ay makadarama ng sintomas na mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pangingisay o seizures, pamamaga ng utak, pagsusuka, panghihina at pananakit ng mga kalamnan.
Pinakamalalang nito ang pasyente ay maaaring ma-coma at maging sanhi ng kamatayan. Karaniwang lumalabas ang mga sintomas sa isang tao 5 hanggang 15 araw matapos makagat ng lamok na may dalang virus nito.

🚩Walang gamot sa JE maliban sa bakuna.
Dahil walang gamot sa sakit na ito, ang tanging magagawa lamang ay magkaroon ng proteksyon sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Sa mga dinadapuan naman ng virus na ito, binibigyan lamang ng pantulong na lunas sa mga sintomas o sakit na kanilang dinaranas.

🚩Nagkakaroon ng epekto sa kalusugan ng taong gumagaling sa JE.

Nakararanas ng problemang pangkalusugan ang mga taong nakaligtas sa sakit na ito. Kadalasan na nagbabago ang kanilang pag-uugali (behavioral). Karaniwan ding nagkakaroon sila ng long term neurologic, psychiatric, o cognitive problems. Kaya kasama sa paggagamot ang pagbibigay ng suporta sa mga sintomas na ito.

🚩Pabakunahan ang mga batang may edad na 9 na buwan hanggang 17 taon.
Iminumungkahi ng PPS ang mga ganitong edad ang bakunahan dahil sa mga pag-aaral at mga naitalang kaso karaniwang nasa mga ganitong edad ang tinatamaan ng nasabing virus. Ayon pa sa mga doktor, kailangan lamang ang primary dose at sundan ito ng booster dose pagkaraan ng isa o dalawang taon. Samantala, ang mga nasa edad 18 pataas naman ay kailangan lamang ng isang dose nito. Hindi naman ito ipinapayo sa mga buntis gaya ng ibang bakuna.

🚩Gumamit ng insect repellent kung lalabas.

Gumamit ng mga epektibong insect repellent upang matiyak na protektado sa kagat ng lamok. Makatutulong din ang pagsusuot ng mga damit na may mahahabang manggas at pantalon. Siyempre, mahalaga ang pagtitiyak na malinis ang ating paligid. Ugaliin ang 4 o’clock habit na adbokasiya ng DOH. Iwasan din ang pagpunta sa mga rural na lugar kapag pagabi na hanggang bago mag-umaga o sa mga oras na aktibo ang lamok na ito ng pangangagat.

One comment

  1. Hi, I do think this is a great website. I stumbledupon it 😉 I may come back once again since I bookmarked it. Money and freedom is the greatest way to change, may you be rich and continue to guide other people.

    Like

Leave a reply to Cristin Wiatrek Cancel reply