Tiyak na maraming matutunang skills at magagandang asal ang mga bata sa “Play ‘N Learn
Online Workshops” ng Just Love Kids at handog nitong mga programa na “Marco,” “Masha
and the Bear,” at “PJ Masks” na eere sa A2Z simula ngayong buwan.
Tungkol sa isang Italian boy ang animated series na “Marco” na may inang pumuntang sa
Argentina para magtrabaho. Pagkatapos magkasakit ng ina ay tumigil na itong sumulat
kaya nagdesisyon si Marco na maglakbay patungong Argentina para hanapin ang kanyang
nanay at dito haharapin niya ang iba’t ibang adventure.
Matutuwa rin ang mga batang manonood sa programang “Masha and the Bear” na tungkol
naman sa isang mabait ngunit makulit na batang babae na nakatira sa forest kasama ang
kanyang mga alagang hayop. Makikilala niya ang isang oso na magliligtas sa kanya sa iba’t
ibang kaguluhan.
Mga superheroes naman ang makakasama sa “PJ Masks” kung saan ang mga batang sina
Amaya, Greg, at Connor ay nagiging sina Owlette, Gekko, at Catboy tuwing gabi na may
kapangyarihan labanan ang mga masasama.
Samantala, pangungunahan naman ng “Team YeY” ang “Play ‘N Learn Online Workshops”
na mapapanood sa Just Love Kids website. Iba’t ibang skills tulad ng dancing, singing,
storytelling, at arts at crafts ang pwedeng matutunan ng mga bata ngayong summer, pati
na rin ang pagluluto at sports mula sa online classes na handog nito.
Mapapanood din ang workshops sa Just Love Kids’ Facebook page at sa YeY Channel sa
YouTube at Facebook.
Abangan ang “Marco” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:30 pm at ang “Masha and the
Bear” tuwing Sabado, 8 am na susundan naman ng “PJ Masks,” 8:30 am sa A2Z simula May
8.
Mapapanood rin ang hit children’s show na “Team YeY” season 5 tuwing Sabado at Linggo, 9
am.
Bisitahin na ang Just Love Kids sa justlovekids.abs-cbn.com. Para sa iba pang detalye, i-like
ang @JustLoveKidsPH sa Facebook.
